Home HOME BANNER STORY Trust rating nina PBBM, VP Sara bumagsak-SWS

Trust rating nina PBBM, VP Sara bumagsak-SWS

329
0

MANILA, Philippines – KAPUWA bumagsak ang trust rating nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte nitong Setyembre sa gitna ng kasagsagan ng public awareness sa korapsyon sa gobyerno lalo na sa public works, ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Ipinalabas ang resulta, araw ng Miyerkules kung saan makikitang bumaba sa 43% mula sa 48% ang trust rating ni Pangulong Marcos sa buwan ng Hunyo.

Bumaba naman ang trust rating ni VP Sara sa 53% mula sa 61% sa kaparehong panahon.

Para sa Pangulo, ang pinakamatarik na paglubog ay sa Balance Luzon, kung saan ang kanyang trust rating ay bumaba ng 9 percentage points, mula 60% sa Hunyo ay naging 51% sa Setyembre.

Nakapagtala rin si Pangulong Marcos ng mas mababang trust scores sa nalalabing bahagi ng mga rehiyon: 6 puntos na mas mababa sa Mindanao (33 ay naging 27); 4 puntos sa National Capital Region (50 ay naging 46); at tatlong puntos sa Visayas (40 ay naging 37).

Nagdusa rin ang numero ni VP Sara sa nasabing survey sa buong bansa kabilang na sa balwarte ng kanyang pamilya sa Mindanao.

Sa katunayan, ang kanyang trust ratings ay 82 sa Mindanao (bumaba ng 7 puntos mula 89); 56 sa Visayas (bumaba ng 7 puntos mula 63); 44 sa NCR (bumaba ng 7 puntos mula 51); at 40 sa Balance Luzon (bumaba ng 9 puntos mula 49).

Sa socioeconomic class, napanatili naman ni Pangulong Marcos ang suporta ng ABC strata, kung saan ang kanyang trust rating ay nanatili sa 38%.

Gayunman, ang kanyang trust scores ay bumagsak sa hanay ng mga mahihirap. Sa hanay ng Class D, bumaba ito sa 44 mula sa 49 to 44 (5 puntis) at dumausdos sa 38 mula 50, bumaba ng 12 puntos sa karamihan ng indigent Filipino sa ilalim ng Class E.

Para naman kay VP Sara, tumaas ang trust rating nito sa hanay ng upper at middle classes, subalit bumagsak ng double digits sa hanay ng mga mahihirap.

Sa Classes ABC, nadagdagan ng 9 puntos mula 49 ay naging 58. Ang kanyang trust rating, sa hanay ng Class D ay bumagsak ng 10 puntos mula 62 ay naging 52, natapyasan din ito ng 5 puntos sa kanyang 68 rating sa buwan ng Hunyo na naging 63 sa buwan ng Setyembre.

Ang survey ay kinomisyon ng consultancy firm Stratbase Group, ang third quarter SWS survey ay isinagawa mula Sept. 24 hanggang 30, ang panahon kasunod ng Sept. 21 nationwide protests dahil sa public works corruption scandal na hinihimay sa congressional hearings.

Ang face-to-face interview ay mayroong kabuuang 1,500 respondents. Ang sampling error margins ay ±3 percent para sa national percentages, ±4 percent para sa Balance Luzon, at ±6 porsiyento sa bawat isa sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ayon kay Stratbase president Dindo Manhit, ang pagbaba ng rating nina Pangulong Marcos at VP Sara ay nagpapakita ng “a shifting public mood.”

“Filipinos are reassessing their confidence in the country’s top leaders, with both experiencing dips in trust, though the Vice President’s decline is more significant,”ayon kay Manhit.

“The numbers reflect a maturing public that evaluates leaders more on performance than personality,’’ aniya pa rin.

“When people see decisive, transparent action on the issues affecting their daily lives, confidence follows,” ang sinabi ni Manhit sabay sabing “When they don’t, it erodes—no matter how popular the leader once was.” Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here