Home NATIONWIDE 97% ng mga Pinoy nagsasabi, korapsyon laganap na – Pulse Asia

97% ng mga Pinoy nagsasabi, korapsyon laganap na – Pulse Asia

361
0

MANILA, Philippines – TANGING tatlong porsiyento ng mga Pinoy ang hindi naniniwalang malaganap ang korapsyon sa gobyerno habang 59% naman ang nagsabi na “normal” na itong bahagi ng politika sa bansa.

Ito ang lumabas sa kamakailan lamang na survey ng Pulse Asia.

Ang survey, isinagawa mula Setyembre 27 hanggang 30, ay natuklasan na 97% ng mga respondents ang naniniwala talamak ang korapsyon sa gobyerno, 78% sa mga ito ay naniniwalang ito ay napaka-malaganap at 20% naman ang nagsabi na ito’y “somewhat widespread.”

Ang pagtaas sa korapsyon sa gobyerno sa nakalipas na taon ay naobserbahan ng 85% ng mga respondents.

At nang tanungin kung ano sa tingin ng mga ito ang pangunahing layunin ng congressional investigations sa maanomalyang flood-control projects, 54% ang naniniwala na isinasagawa ito para tunay na ilantad ang korapsyon at papanagutin ang mga sangkot.

May 19% naman ang kinokonsidera ang imbestigasyon na ito bilang pagtugon sa galit ng mga tao laban sa korapsyon sa gobyerno, may 13% naman ang nagsabi na ginawa ito para i-presyur ang kanilang kalaban sa politika o protektahan ang kanilang mga kaalyado at isa pang 13% ang nagsabi na ginagamit ito bilang diversionary tactic para iligaw at ilayo ang atensyon ng publiko mula sa ibang uspain.

Natuklasan din ng survey na 90% ng mga pinoy ang sang-ayon na mayroong sabwatan sa hanay ng mga executive officials, mambabatas, at pribadong kontratista sa maling paggamit ng pondo na inilaan para sa flood-control projects.

Ang sinasabing kasunduan sa sabwatan ay napansin sa bawat lugar, 88% hanggang 93% at class 87% hanggang 91%.

May pito sa 10 Filipino adults (71%) ang nagpahayag na ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa iregularidad sa infrastructure projects ay dapat na maparusahan, isang opinyon na ibinahagi ng tinatawag na considerable sa malaking bilng ng mayorya sa iba’t ibang lugar at classes (66% hanggang 78% at 69% hanggang 79%, ayon sa pagkakabanggit).

Sa kabilang dako, may 21% naman ang sumagit na hindi nila masabi kung ang mga opisyal na ito ay mananagot 8% naman ang nagsabi na ang mga opisyal na ito ay hindi mapaparusahan.

Kahit papaano, may kalahati ng mga pinoy ang nagtitiwala sa abilidad ng civil society organizations (50%) at media (51%) upang tumulong sa pagtugon sa problema ng korapsyon sa flood-control projects sa bansa, habang may 39% naman ang nagpahayag ng pagtitiwala sa Office of the Ombudsman.

Kontra naman ito sa government entities dahil 81% ang nagpahayag ng kawalang tiwala sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at isa pang 45% ang hindi nagtitiwala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang naghaharing sentimyento tungo sa bagong nilikhang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay isa sa ‘ambivalence’, na may 56% ang hindi masabi kung nagtitiwala sila o hindi sa probe body.

Samantala, para naman sa gawain na nauuwi sa korapsyon, 75% ang tinukoy sa pagtanggap o pagbibigay ng suhol, 67% ang nagsabi na mali ang paggamit ng public funds o company resources, at 64% ang nakapansin na nag-aalok o tumatanggap ng kickbacks.

Ang survey ay isinagawa sa 1,200 adults gamit ang face-to-face interviews at mayroong margin of error na plus-or-minus 2.8 percent. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here