MANILA, Philippines – TINIYAK ng gobyerno na hindi nito pahihintulutan na makapasok ang imported sugar hanggang sa kalagitnaan ng 2026 para mapawi ang alalahanin hinggil sa mababang presyo ng asukal sanhi ng kawalan ng katiyakan sa merkado.
Kapuwa sinabi ng Department of Agriculture (DA) at the Sugar Regulatory Administration (SRA) na walang importasyon o pag-angkat ang nakaplano hanggang sa pagtatapos ng kasalukuyang milling season, tinatantya sa pagitan ng May at June sa susunod na taon.
“Let us be clear—there was never any talk of an importation program for Crop Year 2025-2026,” ang sinabi nina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at SRA Administrator Pablo Luis Azcona sa isang joint statement.
Ipinahayag nila ito “to restore confidence” sa hanay ng ‘sugar farmers, millers at traders.’
Ayon sa mga opisyal ng DA, ang mababang presyo ng raw sugar ay naobserbahan sa panahon ng first sugar bidding na idinaos sa Negros noong Oct. 9 na tinalakay naman sa kamakailan lamang na pagpupulong.
“Initial discussions with sugar traders revealed market hesitation, largely influenced by conflicting statements from various sugarcane farmer groups. As a result, major traders refrained from purchasing sugar during the previous bidding,” ang sinabi ng DA at SRA.
Ang Sugar bidding ay isinasagawa linggo-linggo sa panahon ng harvest season, tumagal ng 38 linggo.
Makikita sa data ng SRA na ang presyo ng asukal ay umabot na sa P2,350 kada 50-kilogram bag ‘as of Aug. 24.’
Nauna rito, sinabi ng SRA na ang milling season para sa crop year 2025-2026 ay opisyal na nagsimula noong Oktubre 1 ngayong taon. Idinagdag nito na ang mills o gilingan ay maaaring magsimula ng kanilang operasyon sa Setyembre 29 para sa praktikal na kadahilanan.
Kapuwa sinabi nina Tiu Laurel at Azcona na ang importasyon ay maaari lamang maikonsidera sa oras na ang mahalagang bahagi ng milling o paggiling ay kompleto na at avialbale na ang matibay na production figures.
Kapuwa pa rin sinabi ng mga ito na ang anumang pag-angkat ay ika-classify bilang “C” o reserve sugar at hindi direktang makapapasok sa domestic market.
Samantala, sinabi ng DA at SRA na ang two-month buffer stock ng refined sugar ay mapananatili upang matiyak ang katatagan ng merkado. Kris Jose