BENGUET, Philippines – Nagkakahalaga ng P4,880,000.00 marijuana plants ang winasak ng PDEA Cordillera Land Transportation Interdiction Unit (LTIU) at Kibungan Municipal Police Station sa Badeo, Kibungan ng lalawigang ito nitong Oktubre 16-17.
Nagsasagawa ng joint Marijuana eradication campaign ang PDEA Cordillera LTIU at Kibungan MPS sa naturang lugar nang madiskubre nila ang limang plantation sites na natatamnam ng humigit kumulang sa 24,400 na marijuana plants.
Matapos na pagbubunutin ang mga nakatanim na marijuana ay agad nila itong sinunog.
Bagamat walang nahuling cultivator ang operating team, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang grupo para alamin kung sino ang landowner ng nadiskubreng marijuana plantation. ROLANDO S. GAMOSO