Home NATIONWIDE 4 kandidato sa 2025 poll tumanggap ng donasyon sa contractors – Comelec

4 kandidato sa 2025 poll tumanggap ng donasyon sa contractors – Comelec

249
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Commission on Elections (Comelec) na apat na kandidato sa Senado sa 2025 midterm elections ang diumano’y tumanggap ng donasyon mula sa government contractors.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na may 21 contractor na na-flag na nagbigay sa kampanya ng anim hanggang pitong kandidato, kabilang ang apat na senatorial bets at dalawang party-list organizations.

Nagsimula na ang Comelec sa imbestigasyon ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCEs) ng mga kandidato at hinihintay ang sertipikasyon mula sa DPWH para matukoy kung ang mga nag-donate ay talagang government contractors.

Ayon sa Omnibus Election Code, ipinagbabawal ang donasyon mula sa mga government contractors para sa mga eleksyon.

Inaasahan ni Garcia na matatapos bago mag-Biyernes ang imbestigasyon sa natitirang SOCEs ng 2025. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here