Home NATIONWIDE DPWH ‘di dapat buwagin – Malakanyang

DPWH ‘di dapat buwagin – Malakanyang

249
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng Malacañang na hindi dapat buwagin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kahit may alegasyon ng katiwalian sa multi-bilyong pisong flood control projects.

Ang nasabing panukala ay pinalutang ni Senator Sherwin Gatchalian na tinukoy ang maraming iregularidad sa ahensya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mas pinipili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggalin ang mga tiwali sa ahensya kaysa buwagin ito, at marami pa ring kawani ang tapat sa kanilang tungkulin.

“Ang departamento, hindi po lahat ng nangangasiwa at hindi po lahat ng taong gobyerno sa DPWH ay masasabi nating gumawa ng kamalian. May mga public servants pa rin po at public officials na masasabi nating tumutugon sa kanilang obligasyon,” ani Castro sa reporters sa Palace briefing.

Giit niya na imbes na kalusin ay pinapalakas umano ng administrasyon ang reporma sa pamamagitan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na magsisiyasat sa mga anomalya sa pampublikong proyekto sa nakalipas na dekada, lalo na sa flood control programs.

“Sa ngayon po ay hindi pa naiisip kung dapat itong i-abolish dahil ang dapat tanggalin dito ay ‘yung gumagawa ng mali… At sa tulong na rin ni Secretary Vince [Dizon], matatanggal kung sino man ang dapat matanggal sa ahensya,” aniya pa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here