Home NATIONWIDE P19.2-M ‘kush’ natagpuan sa Sabina Shoal

P19.2-M ‘kush’ natagpuan sa Sabina Shoal

243
0

MANILA, Philippines – Natagpuan at narekober ang isang itim na bag na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga sa katubigang malapit sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea, ayon sa Philippine Navy.

Nakatanggap ng impormasyon ang Maritime Civilian Armed Forces Geographical Unit–West (MCAAU-W) noong Biyernes ng gabi at nakipag-ugnayan sa Western Naval Command, na nagpadala ng BRP Lolinato To-Ong upang kunin ang bag noong Sabado ng umaga.

Na-turn over ang bag sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan sa Puerto Princesa City nitong Lunes.

Ayon sa PDEA, naglalaman ito ng 32 maliit na bag ng hinihinalang high-grade marijuana kush, kabuuang 16 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P19.2 milyon.

“PDEA Palawan has since initiated the evaluation, field testing, and official inventory of the seized items, with appropriate disposition procedures now underway,” ayon sa ahensya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here