Home NATIONWIDE 2 todas sa pagsabog sa pabrika ng paputok sa Bulacan

2 todas sa pagsabog sa pabrika ng paputok sa Bulacan

349
0

Bulacan – Dalawang hindi pa nakilalang indibidwal ang napaulat na nasawi nang maganap ang pagsabog sa isang pagawaan ng paputok sa bayan ng Norzagaray nitong umaga ng Oktubre 22.

Sa report na nakarating PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, Regional Director ng Police Regional Office 3, naganap ang insidente bandang 11:00 ng umaga ng Miyerkules sa Brgy. Partida.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang sumabog nang pagkalakas ang pagawaan ng paputok sa lugar.

Dahil dito, agad rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at rescue team ng naturang bayan at mga kalapit bayan sa sumabog na pagawaan ng paputok.

Nabatid sa report, bandang 11:50 ng umaga ay agad naideklarang fire out hanggang sa tumambad sa mga awtoridad ang dalawang bangkay ng lalaki.

Sa lakas ng pagsabog, may mga netizen mula sa bayan ng Bustos, Angat, Marilao at Santa Maria ang nakaramdam sa pagyanig at nakadinig ng pagsabog.

Sinasabing wala umanong kaukulang permit na mag-operate ang naturang pagawaan, ayon na rin sa report.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring pagsabog ng pagawaan ng paputok. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here