Home ENTERTAINMENT Mommy inday, binisto si Raymart!

Mommy inday, binisto si Raymart!

292
0

Manila, Philippines – Tumagal nang mahigit 40 minuto ang vlog interview ni Ogie Diaz kay Mommy Inday Barretto.

Sinadya talagang magpainterbyu ng Barretto matriarch para once and for all daw ay malaman ng publiko kung ano ang tunay na pag-uugali ng kanyang manugang, si Raymart Santiago na dating karelasyon ng kanyang bunsong anak na si Claudine.

Maraming unknown facts ang tinalakay ng 89 anyos na showbiz mother tungkol sa mga

pinagdaanan at tiniis na hirap ni Claudine noong nagsasama pa sila ni Raymart.

But among others, the main reason why Mommy Inday sought Ogie ay para kalampagin ang aktor tungkol sa pag-aaring property ni Claudine, which she intends to sell.

Isa ‘yon sa maraming naipundar ng aktres under her name, pero nailipat umano sa pangalan ni Raymart.

But all that Claudine needs to be able to sell it ay pirma ni Raymart na inoohan na niya, pero ayaw gawin at pilit na nagmamatigas.

Binanggit ni Mommy Inday na literal na nagmamakaawa na nga raw si Claudine kay Raymart para pumirma.

After all, para rin naman daw ‘yon sa kanilang mga anak.

Pilit na ipinauunawa ng aktres sa estranged husband (hindi pa annulled ang kanilang kasal) na never naman daw siyang nagmaramot sa aktor during their happier times.

As a go-between hopefully to cajole Raymart to affix his signature, binalikan ni Mommy Inday ang mga pasakit ni Claudine noong nagsasama pa sila.

Aminadong galit, diretsong sabi ni Mommy Inday na: “Kung ang Diyos ni Raymart ay si Satanas, ang Diyos namin ay nasa itaas!”

Hinding-hindi raw palalampasin ng Barretto matriarch ang umano’y kasamaan ng aktor: “If Raymart thinks he can get away with what he did to my daughter, this time I’m gonna get you! Ano pa ba ang gusto niyang mangyari…sinaktan na niya ang anak ko, siniraan na niya na kesyo drug addict, ninakawan na niya, pati ba naman ‘yung para sa mga anak nila with his signature ay ipinagkakait pa niya, to think na ang nagpundar ng mga ari-arian ay si Claudine?! Raymart never had any single property!”

Bukas ang Remate Online para sa panig ni Raymart ukol sa mga pasabog ni Mommy Inday Barretto. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here