Home NATIONWIDE Kita sa pagmimina nais makita ni PBBM sa infra projects

Kita sa pagmimina nais makita ni PBBM sa infra projects

298
0

MANILA, Philippines – GUSTONG makita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may pinatutunguhan ang revenue na nakukuha ng pamahalaan mula sa mining.

Partikular na nais ng Punong Ehekutibo na mapunta ang mining income sa pagpapatayo ng mga paaralan, ospital at iba pang proyektong imprastraktura gaya ng mga kalsada.

Ang pahayag ay ginawa ng Chief Exexutive sa harap ng mas pinalalakas na transparency at accountability sa sektor ng pagmimina.

Punto ng Pangulo, dapat malaman ng mga Pilipino na napangangasiwaan ang resources ng bansa at mapanatili ang sustainability.

Ang sukatan aniya ng sustainability ay kung gaano karaming buhay ang naiaangat at kung gaano napangangalagaan ang mga biyayang nakukuha sa mga lupain para sa mga susunod na henerasyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here