MANILA, Philippines – Kwestyunable ang pagkuha ng mga mataas na posisyon sa Office of the Ombudsman na tinanggap nang ura-urada o last-minute hire, ayon kay Ombudsman Crispin Remulla.
Ayon kay Remulla, 99 sa 204 last minute hires ay kasalukuyang nag-ookupa ng mga mataas na posisyon sa kanyang opisina na binanggit ang hiring strategy na tiyak na kaduda-duda.
Aniya, naglabas ang kanyang opisina ng memorandum na hinihiling ng courtesy resignation sa lahat ng 204 na na-hire kung saan may Salary Grade 25 at pataas.
Ang mga last-minute hires ay umookupa sa mga sumusunod na mga posisyon:
– Special Prosecutor
– Graft Investigator
– Assistant Ombudsman
– Director IV
Ayon kay Remulla, kailangan nilang mag-apply ulit at muling i-evaluate. Jocelyn Tabangcura-Domenden