Home METRO PBBM, nangako ng mas accessible na Housing Programs

PBBM, nangako ng mas accessible na Housing Programs

272
0

MANILA, Philippines – Muling inulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng administrasyon na tiyakin na ang bawat pamilyang filipino ay may access sa ligtas, disente at affordable na tahanan.

Ang pagtiyak na ito ng Pangulo ay matapos pangunahan ang pagbubukas ng two-day National Housing Expo 2025 sa World Trade Center sa Pasay City.

“Sa Housing Expo na ito, makikita natin ang bunga ng pagtutulungan ng gobyerno, pribadong sektor, at ng mga tinatawag nating housing agency,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Binigyang diin naman ng Chief Executive ang nagpapatuloy na pagsisikap ng gobyerno na palawakin ang housing programs, gawing simple ang proseso at mas palalimin ang suporta para sa housing sector sa bansa.

Idinagdag pa ng Pangulo na ang expo, ipinakikita ang malawak na hanay ng serbisyo mula home design at pagpa-plano hanggang financial assistance at housing loan processing.

Binigyang diin din ni Pangulong Marcos ang Green Lane Program, na nagpo-promote ng konstruksyon ng climate-resilient homes na dinisenyo para matagalan ang epekto ng pagbabago ng weather conditions.

Pinuri naman ng Pangulo ang Pag-IBIG Fund bilang isa sa pinakamalakas at ‘most reliable partners’ ng gobyerno sa sektor ng pabahay.

“Ngayong taon lang, sa pamamagitan ng Pag-IBIG, mahigit 57,000 miyembro ang nabigyan ng pagkakataon na makalipat sa sariling bahay o mapaayos ang kanilang tinitirahan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Winika pa ng Pangulo na halos P75 billion na cash loans ang ipinalabas, napakinabangan ng tinatayang tatlong milyong miyembro at tulungan ang mga ito na ma- meet ang kanilang agarang pinansiyal na pangangailangan.

“Under the Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program, more Filipinos are gaining access to affordable housing assistance,” aniya pa rin.

Sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund, maaaring mag-avail ang low-income earners ng housing loans na may interest rates “as low as three percent per annum” habang maaari ring makinabang ang mga overseas Filipino workers mula sa mababang interest rate.

Ang mga benepisaryo at gradweyt ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay eligible sa ilalim ng pinalawak na 4PH initiative.

Sa pagdiriwang ng National Shelter Month, inanunsyo ng Pangulo na ang kanyang administrasyon ay magkakaloob ng Notices of Approval.

“Those who received Certificates of Entitlement through Presidential Proclamations—from areas such as Los Baños, Laguna; Lucena City; Iloilo City; and Caloocan City—can now finally claim ownership of the land they occupy,” ang winika ng Pangulo.

“Ilan lamang ito sa mga patunay na ang pangarap, basta’t sinamahan ng tiyaga at may suporta mula sa pamahalaan, sa pribadong sektor, lahat ng sektor ng ating lipunan ay kayang maging reyalidad,” ang tinuran ng Pangulo.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang Pangulo sa pribadog sektor, developers, financial institutions, at sa buong housing sector para sa kanilang patuloy na partnership sa pagsisilbi sa mga tao.

“Nawa’y lalo pa nating patatagin ang ating paglilingkod upang mas marami pa tayong mga kababayang Pilipino na matutulungan,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here