Home METRO Bise alkalde sa Isabela bugbog sarado sa panunutok ng baril

Bise alkalde sa Isabela bugbog sarado sa panunutok ng baril

363
0

ISABELA, Philippines – Nagulantang ang mga residente sa bahagi ng District Albano, Brgy. Quezon, San Isidro, Isabela matapos makarinig ng putok ng baril pasado 12:00 ng umaga noong Oktubre 23, 2025.

Napag-alaman na ang umano’y nagpaputok ng baril ay si Vice Mayor Leonardo Tumamao ng San Isidro, Isabela na residente ng Brgy. Rizal East sa nasabing bayan habang isang alyas “Paul” at alyas “Nikson” naman na magpinsan ay nadamay sa insidente na mga residente ng lugar na pinangyarihan.

Ayon sa ulat, dumating ang bise alkalde sa lugar habang kasalukuyang nag-iinuman sina “Paul” at “Nikson” kasama ang isa pang SK Chairman ng nasabing bayan.

Noong una ay nagkikibiruan pa umano ang vice mayor sa mga lalaki at inalok pa ang mga ito na maging personal bodyguard at sa hindi inaasahang pagkakataon nagpunta ang vice mayor sa kanyang sasakyan at pagbalik ay dala na umano ang isang baril.

Nagpaputok umano sa lupa si Tumamao, dahilan para magkagulo at magkainitan ito at ang dalawang lalaki, at doon pinagsusuntok na ang Vice Mayor.

Nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang bise alkalde samantalang bahagyang nasugatan ang magpinsan nang maawat ang pambubugbog.

Ayon kay PCapt. Ana Marie Anog, hepe ng San Isidro Police Station ay ongoing pa ang imbestigasyon sa pangyayari at hindi pa muna makapagbibigay ng dagdag na impormayson.

Labis namang ikinabahala ng mga residente ang inasal ng kanilang Vice Mayor sa nangyaring gulo at ikinagulat na ang mataas na opisyal pala ang sangkot sa insidente na dapat ay maging mabuting halimbawa sa publiko. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here