DIADI, Nueva Vizcaya – Nasabat ng mga kapulisan ng Nueva Vizcaya ang 53 kahon ng Bon International cigarettes o pekeng sigarilyo na may tinatayang halaga na P2,120,000.00 at naaresto ang isang driver ng van sa kahabaan ng National Highway, Barangay Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya nitong Oktubre 25, 2025.
Magkasanib-puwersa ang mga tauhan ng 2nd MP, 1st NVPMFC, katuwang ang Diadi Police Station at Provincial Intelligence Unit, sa operasyon na nagresulta sa pagkakahuli kay alyas HAJI, 38 anyos, residente ng Capaz, Tarlac.







