Home ENTERTAINMENT Dahilan ng pagkamatay ni Patrick dela Rosa, hindi dinetalye!

Dahilan ng pagkamatay ni Patrick dela Rosa, hindi dinetalye!

358
0

Manila, Philippines – Nalagasan na naman ang mundo ng showbiz at pulitika sa pagpanaw ng dating aktor at former board nember ng Oriental Mindoro na si Patrick dela Rosa.

Ito ang kinumpirma ng Provincial Public Information Office sa Facebook.

Saad ng post ng PIO: “Taospusong nakikidalamhati ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamilya ng pumanaw na former board member Patrick dela Rosa.”

Dagdag pang post: “Maraming salamat sa alaalang iniwan niya sa industriya ng pag-aartista at paglilingkod sa mga Mindoreño.”

No details are available as to Patrick’s cause of death, at maging ang kanyang edad.

Dekada otsenta noong magsimula si Patrick sa showbiz doing mostly action films hanggang 1990.

Later on, pumalaot ang aktor sa pulitika until he decided to migrate to the US.

Inalala naman siya ng kanyang pamangking si Joram dela Rosa Garcia.

Ani Joram sa kanyang post, “Uncle Patrick was a light in my life.”

Itinuring din daw niyang ikalawang ama ito, hero at best friend.

“Rest well, uncle. You have touched so many lives. I love you,” pagwawakas nito.

Among Patrick’s contemporaries in showbiz were Rey “PJ” Abellana, Lito Pimentel, Edgar Mande, etc.who were then collectively called Liberty Boys managed by showbiz scribe Alfie Lorenzo.

May mga pahayag din ang Liberty Boys sa pagkamatay ni Patrick.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Patrick dela Rosa. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here