MANILA, Philippines – Sa Manila South Cemetery, bukod sa mga karaniwang ipinagbabawal na bagay tulad ng mga baril, matulis na bagay, alak, at sigarilyo, hindi rin pinapayagang pumasok ang mga alagang hayop.
Ayon sa pamunuan ng sementeryo na nais nitong gawing mas solemne ang pagdiriwang ng Undas sa loob ng memorial park.
Bawal din anila ang mga pribadong sasakyan sa loob, gayunpaman mayroong libreng trike service sa mga senior citizen para dalhin sila sa mga puntod na bibisitahin nila.
Ang mga pagbisita sa Manila South Cemetery ay mula 5 a.m. hanggang 9 p.m. hanggang Nobyembre 2, o ang All Souls’ Day. Ngunit ipinagbabawal ang mga overnight stay.
May tinatayang 20,000 bisita sa Manila South Cemetery sa pag-uulat, ngunit inaasahan ng mga awtoridad na tataas ang bilang ng mga bisita ngayong Sabado, Nobyembre 1. RNT/MND