Home ENTERTAINMENT Kim, bet nang magka-baby!

Kim, bet nang magka-baby!

309
0

Manila, Philippines- May mga nagsasabing masuwerte si Kim Chiu dahil patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kanyang karera kumpara sa kanyang mga kapanabayan.

Kung ang iba ay nanahimik na, nag-lie low o naging private citizen na lang o di na aktibo sa showbiz, si Kim naman itong walang pahinga dahil hindi nababakante pagdating sa projects.

Well, dapat din naman nating bigyan ng kredito ang chinita actress dahil she’s such a hardworking person.

Pero ano itong chika na pinaghahandaan na raw ng aktres ang pagkakaroon ng baby?

Katunayan, maugong ang alingasngas na nagpa-freeze daw ng eggs si Kim.

Sa ganang amin, hindi naman ito kataka-taka kasi hindi na rin naman bumabata ang aktres at TV host.

Sa kanyang edad na 35, natural lang naman na isipin niya ang kanyang kinabukasan habang healthy pa siya at puwede pang mag-conceive ng baby.

Kumbaga, kung magpa-freeze man siya ng eggs, puwede niya itong anihin anytime she wants to.

Siyempre, desisyon din naman niya ang magkaroon ng baby through surrogacy.

In any case, kanino naman kaya niya ipina-freeze ang kanyang eggs?

Hirit tuloy ng kibitzers, hindi raw kaya inilalaan ni Kim ang kanyang eggs para kay Paulo?

Sure ako na magbubunyi ang KimPau fans kung kay Paulo bet ni Kim na magka-baby.

Di ba, pak na pak. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here