MANILA, Philippines – Hindi nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa planong anti-corruption protests sa Nov. 30, Bonifacio Day, subalit nagbabala laban sa mga manunulsol na maaaring gamitin ang demonstrasyon para mag-udyok ng karahasan.
Sa isang panayam kasunod ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Gyeongju, sinabi ng Pangulo na naka-alerto ang mga awtoridad para sa mga indibiduwal na balak guluhin ang rally o ilagay sa panganib ang mga sibilyan.
“The only concern I have when we have demonstrations for whatever reason is that there are agitators who will go and try to cause trouble,” ang sinabi ng Pangulo.
“What demonstrator goes to a demonstration with Molotov cocktails that are not intending to cause trouble or to hurt people? Those are the people that we are worried about,” aniya pa rin.
Winika pa ng Pangulo na mayroon ng “a good idea” ang mga intelligence agency lalo pa’t mino-monitor ng mga ito ang bawat galaw ng mga manunulsol.
“Tanggalin ninyo na sa isip ninyo ‘yan, manggugulo kayo. Wala namang mangyayari. May masasaktan lang,” aniya pa rin.
Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang publiko na idedeploy ang mga pulis hindi para supilin o pigilan ang rally kundi upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
“The police are just there to control the crowd, not to hurt the crowd,” aniya pa rin.
Tanggap naman ng Pangulo na ang galit ng pubiko ay nag-ugat sa di umano’y korapsyon at kawalan ng kakayahan sa infrastructure projects.
“The reasons [for these protests] are the outrage — what we have been slowly or not so slowly discovering about some of these projects that were egregious in implementation and shameless in dishonesty and abuse,” aniya pa rin.
Para sa Pangulo, ang nasabing galit ng publiko ay natural lamang kapag nakita at nalaman ng mga tao na ang public funds para sa mahahalagang serbisyo ay nagamit ng mali.
“Those funds are supposed to feed people, to make their lives better. And that all disappeared because they’re buying airplanes and big mansions kung saan-saan,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.
Sinabi pa niya na nananatiling committed ang gobyerno na ganap na pondohan ang operasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), na kanyang nilikha para imbestigahan ang iregularidad sa public works, partikular na sa flood control projects.
“We’re committed to providing whatever funding is necessary,” anito sabay sabing patuloy na kinokompleto ng ICI ang organizational setup nito.
“It’s a work in progress,” aniya pa rin.
Aniya pa, nagbabago ang budget ng komisyon lalo pa’t dumarami ang staff nito at nagtatag ng bagong departamento para sa research, investigation, at forensic accounting.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang ICI ay mayroong full access sa government data na kakailanganin para sa imbestigasyon nito.
“Any single item of information that you require from any department in the Executive — you have it. No questions, no subpoena, no nothing,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Ipinagkibit-balikat naman ng Pangulo ang tanong ukol sa usapin ng Korte Suprema kaugnay sa constitutionality ng ICI, sabay sabing inaasahan na ang mga hamon.
“It’s not exactly a surprise,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo.
“The ICI is a new entity that didn’t exist before, so there will be questions about its legality or constitutionality. We’ll just have to answer those allegations and see how the Supreme Court will decide,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi ng Pangulo na kumpiyansa ang administrasyon sa legal standing ng komisyon, tinukoy ang konsultasyon sa top legal experts bago pa ito nilikha.
“Before we started even thinking about organizing the ICI, I made sure that I got legal opinions from the best legal minds that I know,” ayon sa Pangulo, sabay sabing ang feedback na bumabalik sa ICI ay “paborable”.
“I do believe we are on firm legal ground here,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)