Home ENTERTAINMENT Raymart, pumiyok na sa paratang ni Mommy Inday!

Raymart, pumiyok na sa paratang ni Mommy Inday!

407
0

Manila, Philippines — Walong araw makaraang ma-upload ang panayam ni Ogie Diaz kay Mommy Inday Barretto ay minabuti ni Raymart Santiago na magsalita na rin.

Ayon sa aktor, ilang araw daw niyang pinag-isipan kung palalampasin na lang niya ang mga akusasyon ng kanyang estranged mother-in-law, pero mabuting iklaro din niya ang kanyang panig.

Bago rito, Raymart’s camp tagged Mrs. Barretto’s narrative as both “untruthful and slanderous.”

Pero sa pagkakataong ito, matutunghayan sa kanyang Instagram Reels ang kontra-sagot ni Raymart.

Paglilinaw niya, ilang taon ding nanahimik siya at ni minsan ay hindi naglabas ng kung anong kasiraan laban sa kanyang estranged wife na si Claudine Barretto.

‘Yun ay upang maprotektahan na rin ang kanilang mga anak, who stand to suffer the most.

Hindi lang ma-take ng aktor ang paninira sa pangalang ilang taon niyang iningatan, base sa maayos na pagpapalaki ng kanyang mga magulang.

Hindi raw lubos maisip ni Raymart na ang taong itinuring niyang pangalawang ina ay masisikmurang magsabi ng mga kasinungalingan.

Wala raw aniyang higit na nakakakilala kay Claudine bilang anak kundi ang Barretto matriarch.

Wari’y ipinapaalala rin ni Raymart ang mga panahong sumbungan siya ni Mrs. Barretto tungkol sa mga problema nito kay Claudine.

Ang alam din daw ni Raymart ay sinikap niyang tuparin ang kanyang pangako sa mga magulang ni Claudine — Daddy Pikey or Miguel and Mommy Inday — na hindi niya kailanman sasaktan ang aktres.

Base sa panayam ni Ogie, inakusahan ni Mommy Inday si Raymart ng panggagahasa, pananakit, panloloko, at iba pa na dinanas ni Claudine sa piling nito.

Inalmahan ni Raymart ang claim ng kabilang kampo na kung makapagsalita’y akala mo raw ay kasama nila itong namumuhay.

Umaasa si Raymart na mas nagkaroon ng linaw ang isyu na taliwas sa bersyon ni Mommy Inday.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here