Home NATIONWIDE Pasay LGU nakahanda sa Bagyong Uwan

Pasay LGU nakahanda sa Bagyong Uwan

321
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagpupulong sa mga kasapi ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) nitong Sabado (Nobyembre 8) upang talakayin ang paghahanda sa pinangangambahang pananalasa sa bansa ng Bagyong #UwanPH.

Kasabay nito ay nagbigay din ng direktiba si Calixto-Rubiano sa City Engineering Office katuwang ang Pasay City Environment and Natural Resources Office na i-monitor ang kalagayan ng mga kanal at creeks upang makaiwas sa pagbaha sakaling umulan ng malakas, gayundin ang trimming ng mga puno na maaaring bumagsak, makasagabal sa daan at makapagdulot ng kapahamakan pati na rin ang pagtiklop ng mga billboards.

Nakahanda na rin ang dalawang rubber boats sa city hall lobby para sa pagpoposisyon ng mga ito sa strategic places na kadalasang binabaha.

Ipinag-utos na rin ni Calixto-Rubiano ang paggagayak ng mga evacuation centers upang masigurong ito ay malinis at tiyaking sapat ang mga relief packs na ipamimigay, gayundin ang suplay na magagamit sa panahon ng emergency.

Tiniyak din sa pagpupulong na bukas ang mga Health Centers sa lungsod upang tumugon sa pangangailangan.

Sa pagtatapos, nagpaalala si Mayor Emi na mag-ingat at magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here