Home NATIONWIDE Isa patay sa Super Typhoon Uwan sa Samar

Isa patay sa Super Typhoon Uwan sa Samar

326
0

MANILA, Philippines – Isa ang nasawi sa Catbalogan, Samar dahil sa malalakas na ulan dulot ng Super Typhoon Uwan nitong Linggo, Nobyembre 9.

Ang nasawi ay isang 54-anyos na babae sa Barangay 3 Poblacion, sinabi ni Catbalogan City Disaster Risk Reduction and Management Office officer Juniel Tagarino sa panayam ng DZBB.

Nakatira ang pamilya ng babae sa coastal area na inililikas.

Sa kabila nito, bumalik ang biktima sa bahay para may kunin.

Siya ay nasa kahoy na tulay pauwi ng bahay nang bumigay ito at mahulog sa tubig.

Natanggap ng Catbalogan CDRRMO ang impormasyon tungkol sa nawawalang biktima alas-3 ng madaling araw.

Agad na ipinadala ng search and rescue team sa barangay.

Sa kabila nito ay hindi maabot ng team ang lugar dahil sa malalakas na alon.

Bumalik lamang ang mga ito nang maging maayos na ang sitwasyon at agad nilang narekober ang katawan ng biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here