Manila, Philippines – May kaugnayan nga ba si Sarah Lahbati sa buhay ng umano ay estranged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay?
Ayon kasi sa tsikahan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang online show, nag-aahente raw si Sarah ng bahay kay Ellen.
To the point na inuudyukan niya ang retired actress to make a go for the house.
Hindi nabanggit ang location nito pero nagkakahalaga daw ‘yon ng tumataginting na P500M–halagang natataasan daw si Derek.
Hindi rin kumpirmado kung ang ‘di pagkakabili ng mag-asawa ng bahay ang dahilan umano ng kanilang paghihiwalay.
Isa lang daw ang tiyak–hindi raw kumportable si Ellen sa bahay na tinitirhan nila dati ni Derek.
It’s not because kasama nila sa tirahan na ‘yon ang mga magulang ni Derek, kundi nagsisilbing paalala raw ‘yon ng nakaraan ng aktor noong sila pa ni Andrea Torres.
Looking back, 2019 to 2020 noong magkasintahan sina Andrea at Derek.
Taong 2021 naman noong pumasok si Ellen sa buhay ni Derek.
Ang gusto raw mangyari ni Ellen–new home, new atmosphere.
Kaso nga lang, Derek finds the prospective house way too pricey.
Samantala, miss na miss na daw ng mga fans ng couple ang kanilang Instagram Reels kung saan ang saya-sayang naghaharutan ang mga ito.
Naninibago ang mga fans dahil none of these ay nakikita pa nila sa IG, prompting them to think na siguro nga’y magkahiwalay na talaga sila. Ronnie Carrasco III