MANILA, Philippines – Inaasahan ng Department of Justice (DOJ) na dadalo ang lahat ng respondents sa mga umano’y ghost flood control projects sa Bulacan sa preliminary investigation sa Nobyembre 14, ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon nitong Martes.
Orihinal na itinakda ang pagdinig noong Lunes ngunit ipinagpaliban dahil sa Super Typhoon Uwan at suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno.
Inaasahang personal na kukuha ng kopya ng mga malalaking reklamo ang mga respondents, kabilang ang dating at kasalukuyang opisyal ng DPWH tulad ng dating district engineer Henry Alcantara, mga deputy Brice Ericson Hernandez at Jaypee Mendoza, project engineers Arjay Domasig at Nino Lawrence Morales, at mga staff ng finance at administrative.
Kasama sa mga kaso ang malversation through falsification of public documents, perjury, at graft ayon sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ani Fadullon, kasalukuyang sinusuri ang karagdagang mga kaso, at inaasahang iaanunsyo ang mga bagong pagsasampa sa pagtatapos ng linggo o sa susunod na linggo. RNT