Home NATIONWIDE Kaso vs Co, DPWH officials dedesisyunan na – Ombudsman

Kaso vs Co, DPWH officials dedesisyunan na – Ombudsman

292
0

MANILA, Philippines – Isinumite na sa Ombudsman para sa resolusyon ang kasong malversation laban sa dating kongresista Zaldy Co, Sunwest Inc., at ilang opisyal ng DPWH Region IV-B na konektado sa kontrobersyal na flood control projects sa Naujan, Oriental Mindoro.

“Dito sa Office of the Ombudsman, ang aming tingin, maunang maifa-file na kaso ni Zaldy Co at ang ibang mga opisyal ng DPWH… at bumubuo ng kumpanyang Sunwest,” ani Ombudsman Jesus Crispin Remulla, at dagdag niya na kapag naresolba na, puwede na itong isampa sa korte.

Sasaklawin ng reklamo ang higit 10 respondents na may salary grade 27 pataas. Ang mga pinirmahang kontrata ang pinakamalakas na ebidensya, kahit iginiit ni Co na nag-divest siya sa Sunwest Inc.

Paliwanag ni Remulla, hindi nag-aalis ng prohibited interest ang divestment kung nananatili pa rin sa pamilya ang mga asset.

Sinasaalang-alang rin ng Ombudsman ang extradition para maibalik si Co sa Pilipinas, binanggit ang mabuting relasyon ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Tugon sa paratang na maaga na raw siyang nagpasya sa kaso, ani Remulla, “I am not the judge… prejudging is a wrong term because our job is to prosecute people.”

Sa kasalukuyan, isinasagawa ng Ombudsman ang preliminary investigation sa 10 flood-control cases, habang lima pa ang sinusuri ng Department of Justice.

Humihingi rin ang opisina ng SOCE o Statements of Contributions and Expenditures ng ilang kandidato bilang bahagi ng imbestigasyon sa pondo ng kampanya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here