Home METRO Mag-asawa timbog sa P6.8-M tobats sa Zambo Norte

Mag-asawa timbog sa P6.8-M tobats sa Zambo Norte

300
0

ZAMBOANGA CITY – Arestado ang mag-asawa matapos mahulihan ng tinatayang ₱6.8 milyon halaga ng shabu sa isang anti-drug operation sa Dipolog City, Zamboanga del Norte noong Martes.

Ayon sa Regional Drug Enforcement Unit (RDEU)-9, nakilala ang mga suspek sa alyas na Amo, 37 anyos, ng Rizal, Zamboanga del Norte, at Lady Sara, 29 anyos.

Nahuli sila sa isang buy-bust operation bandang 10:07 a.m. sa Boulevard, Barangay Miputak, Dipolog City.

Nasamsam mula sa kanila ang 20 malalaking heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng halos isang kilo ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska rin ang mga marked money at isang sports utility vehicle (SUV) na ginamit sa operasyon.

Pinangunahan ng RDEU-9 ang operasyon sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), lokal na pulisya, at 97th Infantry Battalion.

Bumisita sa lugar ng operasyon si Zamboanga del Norte Governor Darel Uy, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga ahensya ng gobyerno sa paglaban sa ilegal na droga.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Dipolog City Police Station at haharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002./ Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here