MANILA, Philippines – Nakikidalamhati ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya ng mga bata na nasawi sa kambal na bagyong tumama sa bansa nitong nakaraang buwan.
“Ang buong pamilya ng DSWD ay lubos na nakikidalamhati sa mga pamilya ng mga batang nasawi nitong mga nagdaang bagyong Tino at Uwan. Bilang isa ring magulang, alam ko na walang salita ang sasapat para maibsan ang sakit na nararanasan ngayon ng mga nanay at tatay na nawalan ng kanilang mga anak. Nakikibahagi kami sa pag-alala sa mga batang ito at isasama namin,” Gaya ng aming pagdarasal. Sinabi ni Asst. Secretary Irene Dumlao ng Disaster Management Group (DRMG) nitong Biyernes (Nobyembre 14).
Sinabi ni Asst. Secretary Dumlao, na siya ring tagapagsalita ng DSWD, na ang epekto ng mga nagdaang bagyo ay nagsisilbing paalala at panawagan para sa mga duty-bearers at publiko na pahusayin ang pagpapatupad ng Comprehensive Emergency Program for Children (CEPC).
Kaugnay nito ang CEPC ay nilikha alinsunod sa Republic Act No. 10821, na kilala bilang “Children’s Emergency Relief and Protection Act.” Ang batas ay nag-uutos sa mga ahensya ng pambansa at lokal na pamahalaan na magtatag at magpanatili ng isang komprehensibong programang pang-emerhensiya upang matiyak ang priyoridad na proteksyon para sa mga bata, gayundin ang mga buntis at mga ina na nagpapasuso, sa panahon ng mga sakuna at emerhensiya.
“Nanawagan kami sa lahat ng ahensya ng pambansa at lokal na pamahalaan, pati na rin ang mga stakeholder, na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng mga bata sa lahat ng aspeto ng disaster management – mitigation, preparedness, response, and recovery,” sabi ng tagapagsalita ng DSWD.
Samantala sinabi ni Dumlao sa panawagan ng attached agency ng DSWD, ang Council for the Welfare of Children (CWC), na palakasin ang proteksyon ng bata sa panahon ng kalamidad.
Naglabas ng pahayag ang CWC noong Miyerkules (Nobyembre 12) hinggil sa kalunos-lunos na pagkawala ng buhay mula sa Mulao Elementary School sa Compostela, Cebu, noong Bagyong Tino. (Santi Celario)