MANILA, Philippines – Idinawit ni dating Public Works and Highways undersecretary Roberto Bernardo nitong Biyernes ang mas maraming indibidwal kabilang si ex-Secretary Manuel Bonoan bilang isa sa mga tumanggap ng kickback sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee sa umano’y maanomalyang flood control projects, binasa ni Bonoan ang pangalawang supplemental affidavit kung saan inamin niya ang pag-facilitate ng umano’y kickback para kina Senators Jinggoy Estrada, Mark Villar, Education Secretary Sonny Angara, dating senador Grace Poe, dating Caloocan Rep. undersecretary Maria Catalina Cabral, Congressman Mitch Cajayon-Uy, Rida Robes.
Nauna nang na-tag ni Bernardo sina Senador Francis “Chiz” Escudero, Maynard Ngu, dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa gitna ng imbestigasyon sa mga maanomalyang at ghost flood control projects. RNT/MND