MANILA, Philippines – Inihayag ni dating Rep. Zaldy Co, sa “Part 2” video na pinost niya sa kanyang FB page ang mga larawan ng mga maleta na umano’y puno ng cash na inihatid umano sa mga bahay nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez sa North Forbes Park, South Forbes Park, at Malacanang.
Aniya, “[Yung] mga deliveries ay mayroong record ang aking mga tao. Totoo ang sinasabi ni Orly Guteza na nag-deliver siya sa Forbes Park. Totoo din ang sinabi ni Guteza na nag-deliver siya sa Malacanang noong siya ay nasa Senado.”
Dinagdag pa niya na wala siyang nakuha mula sa umano’y P100-B “insertion” sa national budget.
“Walang pera napunta sa akin, lahat ng insertion napunta sa ating Pangulo at Speaker Martin Romualdez,” saad ni Co. RNT/MND