Home METRO 10 iskul sa Iloilo binulabog ng bomb threat; klase at trabaho suspendido

10 iskul sa Iloilo binulabog ng bomb threat; klase at trabaho suspendido

301
0

ILOILO — Hindi bababa sa sampung paaralan sa Lungsod at Lalawigan ng Iloilo ang nakatanggap ng bomb threat nitong Lunes, Nobyembre 17, 2025, kaya agad na sinuspinde ang klase at trabaho.

Ang mga banta, na ipinadala sa pamamagitan ng e-mail at social media, ay nagmula sa isang account na gumamit ng pangalang “Nestor Villagracia.”

Ang unang paaralan na nakatanggap ng banta ay ang Iloilo National High School bandang 12:26 a.m., na may kaugnayan sa diumano’y hindi patas na pagtrato sa isang guro.

Kabilang sa mga apektadong paaralan ang West Visayas State University (main at Calinog campuses), Iloilo Science and Technology University, Huasiong College of Iloilo, Guimbal National High School, Central Philippine University, Saint Therese MTC Colleges, at Iloilo Merchant Marine School.

Nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad, kabilang ang Philippine National Police (PRO 6) at Commission on Higher Education (CHED 6), upang matukoy at mahuli ang may kagagawan ng mga banta.

Ayon sa pulisya, hamon ang tukuyin ang mga suspek, ngunit tiniyak nila ang seryosong hakbang upang masolusyunan ang sitwasyon. Nagpatupad na rin ng mas mahigpit na seguridad ang mga paaralang tinarget ng banta. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here