Home ENTERTAINMENT Allan K, ‘proud’ pa sa pasabog ni Anjo!

Allan K, ‘proud’ pa sa pasabog ni Anjo!

324
0

Manila, Philippines – Maging si Allan K ay hindi “pinatawad” ni Anjo Yllana sa mga pasabog nito.

Obyus na buwelta ito ni Anjo sa tinuran ng dating co-host sa Eat Bulaga kaugnay ng pagnanais ng una na tumakbong senador sa 2028.

Sarcastic kasi ang reaksyon ni Allan K, saying na ‘yun at ‘yon din naman ang laging ipinapangako ng mga tumatakbo only to break their campaign promises once elected.

Ayon kasi kay Anjo, pag nanalo daw siya’y mababawasan nang isa ang tiwaling senador dahil tapat siya.

Pero obyus na diskumpyado si Allan K.

Payo niya, huwag na daw dumagdag si Anjo sa sakit ng ulo ng mga Pinoy.

In retaliation nga’y nag-react si Anjo sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng tungkol umano sa namagitan kay Allan at ang basketbolista at incumbent San Juan Councilor James Yap.

Si James–na dating nakarelasyon ni Kris Aquino at ama ni Bimby–ay isa ring llonggo na kababayan ni Allan K.

Kung tutuusin, hindi na bago ang “exposè” ni Anjo.

Pero kung marami ang higit na nakakakilala kay Allan K, hindi niya maituturing na paninirang-puri ito.

Bagkus ay proud pa raw ang TV host-comedian dahil “ang haba ng hair ko!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here