Home METRO 3 ‘durugista’ nanlaban-patay sa QC shootout

3 ‘durugista’ nanlaban-patay sa QC shootout

320
0

QUEZON CITY — Tatlo ang nasawi sa engkuwentro ng umano’y mga suspek sa droga at mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District Chief Police Colonel Randy Glenn Silvio, naganap ang insidente sa 13th Avenue, Barangay Socorro, nang manlaban umano ang mga suspek sa isang buy-bust operation, na nauwi sa palitan ng putok.

Naitala ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga basyo ng bala sa pinangyarihan ng insidente.

Narekober din ng mga awtoridad ang isang karton na may mas maliliit na pakete na nakabalot sa packing tape at isang paper bag na umano’y naglalaman ng buy-bust money.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here