Home ENTERTAINMENT Raymond, may sakit?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Raymond, may sakit?November 19, 2025 16:153200 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa isang pambihirang pagkakataon, nahagip ng video si Raymond Gutierrez sa tila selebrasyon ng kanyang inang si Annabelle Rama.Si Raymond ay ang twin bother ng Kapamilya actor na si Richard Gutierrez.Makikitang kadarating lang ni Raymond sa nasabing okasyon.Agad siyang sinalubong ng excited na si Annabelle.Bungad ng anak, dala daw niya ang regalong bag kay Annabelle na ginawaran siya ng halik sa pisngi.Naka-all black si Raymond, his brushed-up hair wet.Sa comment section ay hindi napigilang magtanong ang mga netizens kung bakit daw ang payat ni Raymond.Humpak kasi ang mukha nito.“May sakit ba siya?” nagkakaisang tanong ng mga netizens.Kilalang malaki ang iginanda ng pangangatawan ni Raymond a few years ago.Ito ‘yung panahong proud siya na kasama ang kanyang boyfriend–bagay na tinanggap nang buong puso ng kanyang pamilya.Bagama’t ear to ear ang mga ngiti ni Raymond sa video, tila nawala ang dati niyang glow.Curious ang mga netizens why Raymond seems to have lost weight.Kasabay nito ay nag-aalala sila na baka may iniindang karamdaman ang kambal ni Richard.Sana nama’y wala at healthy siya! Ronnie Carrasco III