Manila, Philippines – Sa darating na December na magaganap ang kasal ni Kiray Celis sa kanyang fiancé na si Stephan Estopia.
Ayon kay Kiray, nang makausap namin kamakailan sa launching ng bagong produkto na pag-aari niya under her beauty business, hindi sila mag-iimbita ng marami dahil napagkasunduan nila ni Stephan na gawing private at intimate ang kanilang super special day.
Sey pa ng CEO ng sarili niyang kumpanya, gusto sana niyang isikreto na muna ang kanyang wedding next month, pero hindi nga siya nakatanggi sa pangungulit ng mga kaibigang press people.
“Parang (ang gusto ko), magulat na lang kayo kinasal na lang ako. Ayoko na magyabang. Parang hintayin niyo na lang kung ano yung kasal,” sabi ni Kiray.
“Para kapag… tsaka ‘yung kasal namin, bahala kayo sa buhay niyo. At least, hindi ako nagyabang,” aniya pa.
Kasama sa listahan ng mga ninong at ninang sa kasal nina Kiray at Estephan sina Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Diamond Star Maricel Soriano, Megastar Sharon Cuneta, Comedy Queen Ai Ai delas Alas, Phenomenal Box-office Star Vice Ganda, Eugene Domingo, Gabby Concepcion, Boy Abunda, ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco, Sen. Bong Go, former Gov. Chavit Singson, Mayor Isko Moreno at marami pang iba. Rommel Placente