Home ENTERTAINMENT Kim, nag-ala-Santa Claus sa last taping day!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kim, nag-ala-Santa Claus sa last taping day!November 24, 2025 13:333000 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Inagahan ni Kim Chiu ang pamimigay ng aguinaldo bago mag-Pasko sa ikahuling araw ng taping ng aabangan niyang seryeng The Alibi.Paano mo nga naman hindi mamahalin ang isang Kim Chiu na napaka-generous sa kanyang mga katrabaho.Nabiyayaan kasi ang mga ito ng “love token” mula kay Kim.Sa kaso nga lang ni Alma Moreno ay puring-puri niya ang Chinita actress for gifting her a bag from her House of Little Bunny store.Ani Ness, no wonder daw kung bakit blessed si Kim sa kanyang career dahil bukod sa magaling na siyang aktres ay masarap pang katrabaho.“Touched ako, anak! Looking forward to working with you again!” sey ng beteranang aktres.Hirit naman ng mga netizens, sana daw bumagay sa edad 60+ ang bag na iniregalo ni Kim kay Alma.Baka raw mukhang pang-dalaga ang bag at sabihing nagmumurang-kamias si Alma pag ginamit niya ito. Ronnie Carrasco IiI