AABOT sa limang daan na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang inilipat mula sa New Bilibid Prison sa lungsod ng Muntinlupa patungong
Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.Sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na dahil dito, umabot na sa 13,781 ang kabuuang bilang ng
mga PDL na inilipat mula sa NBP patungo sa iba pang Prison and Penal Farms bilang bahagi ng programa ng bureau para sa pagbabawas ng siksikan at paghahanda para sa planong pagsasara ng National penitentiary sa taong 2028.Ang mga inilipat na PDL ay sinamahan ng 150 tauhan mula sa NBP na may karagdagang pwersa mula sa Philippine National Police Muntinlupa.
CESAR MORALES