MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes na walang kumpirmadong ulat “at this time” ng mga Pilipinong nasawi o nasugatan sa level 5 na sunog sa Hong Kong.
“The DFA, through the Philippine Consulate General in Hong Kong, has not, as of this time, received any confirmed reports of Filipinos killed or injured as a result of the Level 5 fire at a residential complex in Tai Po in New Territories, Hong Kong,” saad nito.
Gayunpaman, sinabi ng DFA na nakatanggap sila ng mga hindi pa verified na ulat na “some Filipino domestic workers may be trapped inside the buildings.”
“The Consulate General continues to coordinate with the Hong Kong Police Force and stands ready to assist any Filipino national who may be affected or injured in the fire,” ayon sa DFA.
Isang malaking sunog ang tumupok sa isang residential estate sa Hong Kong noong Miyerkules, na ikinamatay ng hindi bababa sa 44 katao.
Daan-daan pa ang nanatiling hindi nakikilala sa pinakamatinding sunog sa lungsod.
Ang sunog na nagsimula noong Miyerkules ng hapon sa isang eight-building complex na may 2,000 apartment units ay bumulaga sa Chinese financial hub, na mayroong ilan sa mga pinakamataong tao at pinakamataas na residential blocks sa mundo.
Sinabi ng DFA na patuloy pa rin ang pagsisikap ng Hong Kong Fire Services Department na masugpo ang sunog.
Sinabi ng pulisya ng HK sa isang maikling advisory na tatlong lalaki ang inaresto dahil sa sunog. Wala itong ibinigay na mga detalye tungkol sa kung ano ang partikular na inakusahan nilang ginagawa. RNT/MND