Home NATIONWIDE BIR nagsampa ng kaso vs 2 kumpanya sa P13.8-M Tax Evasion kaugnay...

BIR nagsampa ng kaso vs 2 kumpanya sa P13.8-M Tax Evasion kaugnay ng flood control projects sa Bulacan

342
0

MANILA, Philippines – Nagsampa ng kasong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa dalawang kumpanya kaugnay sa flood control projects sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ).

Ayon BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, kasama sa mga kinasuhan si Sally Nicolas Santos na siyang proprietor ng SYMS Construction Trading at ang IM Construction Corporation, mga corporate officers na sina Robert Tecson Imperio; Marie Jane Manalo Imperio.

Sinabi ni Commissioner Mendoza  na parehong  lumabag ang dalawang kumpanya sa National Revenue Code o tax evation at kabiguang magbigay ng tama at timpak  na impormasyon.

Ang SYMS ay tumanggap ng kontrata sa gobyerno para sa konstruksyon ng river walls sa Baliuag, Bulacan pero walang nagawang proyekto o ghost project.

Nag-file ng  tax return sa BIR at nagdeklara ng deduction o  construction cost pero dahil wala aniyang aktwal na nagawa na proyekto ay nangangahulogan na peke ang deductions para maiwasan pagbabayad ng buwis.

Ang IM Construction Corporation naman ay tumanggap ng kontrata para sa konstruksyon naman ng flood gate at pumping station sa Sto.Rosario, Hagonoy, Bulacan.

Ang tax liability ni Sally Nicolas Santos ay about sa P6.4 milyon para sa una at ikalawang kwarter ng 2025  habang P7.4 milyon naman sa IM Construction para sa fourth quarter ng taong kasalukuyan.

Sa kabuuan, umabot sa P13.8 milyong piso ang itinakdang tax liabilities ng dalawang kumpanya.

Ayon kay Commissioner Mendoza, bahagi ng patuloy na kampanya laban sa anomalya, tax evasion at iregularidad sa mga kontraktor na tumatanggap ng pondo ng gobyerno ang paghahain nila ng kaso sa DOJ.

Dagdag pa ni Commissioner Mendoza, kailangan pa rin bayaran ng dalawang kumpanya ang kanilang liabilities bukod pa sa kasong kriminal na kanilang kinakaharap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here