Home TOP STORIES Higit 600 katao patay sa baha, landslide sa Indonesia, Thailand, Malaysia

Higit 600 katao patay sa baha, landslide sa Indonesia, Thailand, Malaysia

289
0

BANGKOK, JAKARTA, KUALA LUMPUR – Lumagpas na sa 600 ang naitalang namatay dahil sa malakas na ulan, baha, at landslide sa tatlong bansa sa Timog-Silangang Asya, ayon sa ulat ng mga opisyal nitong Linggo.

Patuloy ang rescue at relief efforts para sa libu-libong nasalanta at lumikas ngayong weekend.

Nakapagtala ang Indonesia ng 435 kataong nasawi, 170 naman sa Thailand, at 3 sa Malaysia.

Nagdulot ng matinding pinsala ang isang rare tropical storm sa Malacca Strait na nagdala ng malakas na ulan at hangin sa loob ng isang linggo.

Mahigit 4 milyong katao naman ang apektado.

Maraming lugar ang hiwalay sa kalsada, at nasira ang telecommunications infrastructure, kaya mahirap makipag-ugnayan. Gumamit ng helicopter ang rescue teams para maihatid ang tulong sa mga lugar na hindi maaabot sa kalsada.

Sa indonesia, pinakamataas ang bilang ng namatay sa Sumatra, kung saan tatlong probinsya ang lubhang nasalanta.

Halos 406 katao ang nawawala, at 213,000 katao ang lumikas.

May mga ulat din ng pagnanakaw sa relief supplies dahil sa desperasyon.

Sa Thailand naman, 170 patay, 102 sugatan sa baha. Umabot sa 131 ang naitalang namatay sa Songkhla Province.

Halos 18,700 katao naman ang nasa evacuation centers sa Malaysia.

Mahigit 6,200 Malaysian nationals sa Thailand ang na-evacuate.

Naglabas naman ang foreign ministry ng advisory sa mga Malaysian sa West Sumatra, Indonesia, para magparehistro sa consulate para sa tulong.

Patuloy ang mga opisyal sa tatlong bansa sa paghahatid ng tulong, pagliligtas sa mga nasalanta, at pagbabantay sa kaligtasan ng publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here