Home NATIONWIDE Humigit-kumulang 90,000 katao, sumali sa mapayapang rally laban sa korapsyon

Humigit-kumulang 90,000 katao, sumali sa mapayapang rally laban sa korapsyon

272
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 90,000 katao ang sumali sa iba’t ibang rally sa buong bansa kahapon, Nobyembre 30, Bonifacio Day, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Linggo.

Ayon kay PNP Acting Chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., “Nagpapasalamat ako sa mga organizers, marshals, at participants sa maayos na paggamit ng kanilang karapatan habang nirerespeto ang pampublikong kaayusan.”

Idinagdag niya, ang pakikipagtulungan ng lahat ay nakatulong upang maging mapayapa at walang malaking insidente ang mga rally.

Bagamat may ilang indibidwal na sinubukang guluhin ang ilan sa mga aktibidad, agad itong naaksyunan ng quick response teams ng PNP, na pumigil sa anumang panganib sa publiko.

Pinuri rin niya ang mga mamamayan na nag-alerto sa mga pulis sa ganitong insidente.

Sa People Power Monument, nagkaisa ang mga nagprotesta mula sa iba’t ibang sektor na ipanagot sa kulungan ang mga korap at ibalik sa tao ang kanilang ninakaw na pera.

Mga kilalang personalidad na dumalo:

–Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno

–Dating Senate President Franklin Drilon

–Baguio City Mayor Benjamin Magalong

–Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando

–Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno

–Akbayan Partylist Perci Cendaña

–Atty. Salvador Panelo, dating legal counsel ni dating Pangulong Duterte

–Quezon City Mayor Joy Belmonte

–Ballsy Aquino, anak ni dating Pangulong Cory Aquino

–ML Partylist Rep. Leila de Lima

–Dating NEDA Chief Winnie Monsod

–Senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino

Maraming kilalang celebrities at personalidad rin ang dumalo sa mga rally sa People Power Monument sa EDSA at sa Luneta, pati na rin sa mga sabay-sabay na protesta sa mga probinsya.

Sa gabi ng Linggo, sinabi ng PNP na ang mga protesta laban sa korapsyon sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng bansa ay nagtapos nang mapayapa, salamat sa sama-samang trabaho ng rally organizers, participants, marshals, at police units upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here