IPINAHAYAG ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia na ang tindig ng Pilipinas ay dapat nakabatay sa batas, katotohanan, at dangal ng sambayanang Filipino at hindi sa takot.
Ang pahayag ni Goitia ay matapos lumabas ang isang bagong ulat mula sa isang kilalang international think tank kung saan ipinapakita nito na ang posisyon ng Pilipinas hinggil sa isyu ng West Philippine Sea ay mas malalim kaysa sa “territorial claim”. Ito’y mahalagang ambag sa pagpapanatili ng pandaigdigang kaayusan at paggalang sa batas.






