Home NATIONWIDE Pamasko sa Pamasahe – May discount ka sa MRT-3 dala ng GCash!

Pamasko sa Pamasahe – May discount ka sa MRT-3 dala ng GCash!

301
0

Sa GCash Murang Sakay promo, may P5 na discount sa bawat sakay mo!

Asian Traveler Man Standing on Railway Platform Waiting for The Train

Holiday rush na naman at nagdadagsaan na ang mga tao sa mga mall, restaurant, at kung saan-saang pasyalan. Hindi man maiiwasan ang paghaba ng pila sa mga pampublikong sasakyan, may pamaskong handog ang GCash para sa mga pasahero ng MRT-3.

Pwede nang gamitin ang GCash para sa MRT-3: wala nang pila sa cashier para sa single journey tickets, pwede pang dumaan sa fast lane at makapasok agad sa platform. At sa pagdiwang ng Pasko, may Murang Sakay promo mula Dec 8 hanggang December 22 para sa Php 5 na discount sa bawat sakay sa MRT-3.

Hindi na kailangan mag-register dahil automatic na ikakaltas sa pamasahe ang Php 5 na discount pag-sakay sa MRT-3. May Php 28 na charge sa unang tap or scan ng GCash, at ibabalik ng GCash ang discount sa iyong wallet pagka-exit.

Kung hindi mo pa nasusubukan ang GCash sa MRT-3, may tatlong paraan para makaiwas sa pila at mapabilis ang bawat sakay mo:

• GCash Tap to Pay gamit ang smartphone

Kapag mayroon kang NFC-enabled Android phone, ang device mo mismo ang iyong ticket para sa walang abala na entry and exit pass.

Para magamit ito, gawin ang one-time activation:

1. I-tap ang Settings on sa phone.

2. I-on ang NFC feature.

3. Mag-log in sa iyong GCash account.

4. I-select ang Tap to Pay at mag-agree sa Terms & Conditions.

Kapag activated na ang iyong NFC sa Android phone at ang Tap to Pay sa GCash app, madali ka nang makakasakay sa MRT-3: mag login lang sa GCash, i-tap ang likod ng Android phone sa turnstile pagkapasok at pagkalabas ng platform. Automatic na mababawas sa iyong GCas wallet ang halaga ng ticket, pati ang PHP 5 discount kapag sumakay sa MRT-3 hanggang December 22.

• Tap your GCash Visa Card

Kung mahina ang signal o naubusan ng battery ang cellphone, pwedeng gamitin ang GCash Visa Card para sa mabilisang sakay sa MRT-3. I-tap lang ang iyong card sa turnstile pagkapasok ng platform. Sa exit, ibabawas sa iyong account ang halaga ng pamasahe, kasama ang PHP 5 salamat sa Murang Sakay promo.

Kung wala pang GCash Visa Card, mag-order lang sa GCash app at i-tap ang Cards icon sa home screen.

Kapag na-deliver na ang iyong card, siguraduhing naka-link ang iyong GCash Visa Card sa iyong GCash account:

1. I-tap ang ‘Cards’ sa GCash app.

2. I-select ang ‘Link my Card,’ ilagay ang One-Time Pin (OTP) at i-click ang submit.

3. Ipasok ang huling 4 na numero ng iyong card at ng iyong virtual account number, tapos i-submit.

At dahil naka-link ito sa iyong GCash account, simple lang mag cash-in sa app nang hindi kailangang pumila sa MRT reload station o bumili ng single-journey ticket Card. Higit sa lahat, hindi lang sa MRT-3 magagamit ang GCash Visa Card – tinatanggap din ito sa iba’t ibang stores at establishment hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.

• Scan ang GCash Commute QR

Pwede ring gamitin ang GCash gamit ang Commute QR code mula sa app. Ito ang nagsislbing digital ticket sa kahit anong station ng MRT-3.

Gawin ang mga sumusunod para magamit ang Commute QR:

1. I-tap ang “Commute” sa GCash app para i-activate ito. Isang beses lang ito kailangang gawin.

2. Sa umpisa ng trip, i-tap ang “Commute” para mag-generate ng QR. Pwede ito i-download o i-screenshot kung sakalaing mawalan ng signal sa platform.

3. Sa GCash fast lane, i-tapat ang Commute QR sa scanner.

4. Pagkatapos i-scan, maari nang makasakay sa MRT-3.

Sa exit, i-scan lang ulit ang QR code. Ibabawas sa iyong GCash account ang halaga ng pamasahe na may PHP 5 discount kapag sumakay sa MRT-3 hanggang December 22 para sa Murang Sakay promo. Para sa Globe and TM users, gumagana ang Commute QR kahit walang mobile data.

Ngayong pasko, mas madali, mas mabilis, at mas mura ang bawat sakay sa MRT-3 sa Murang Sakay Promo dala ng GCash! Sa bawat tap o scan ng app o GCash card, kayang-kaya harapin ang holiday rush, saan man papunta sa Metro Manila.

Ready to power up your commute journey? Download the GCash App on the Apple App Store, Google Play Store, or Huawei App Gallery.

Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-242342 Series of 2025
Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-242986 Series of 2025

About GCash

GCash is the Philippines’ #1 Finance App and Largest Cashless Ecosystem. Through the GCash App, users can easily purchase prepaid airtime; pay bills via partner billers nationwide; send and receive money anywhere in the Philippines, even to other bank accounts; purchase from over 6 million partner merchants and social sellers; and get access to savings, credit, loans, insurance and invest money, and so much more, all at the convenience of their smartphones. GCash’s mobile wallet operations are handled by G-Xchange, Inc. (GXI), a wholly-owned subsidiary of Mynt, the first and only duacorn in the Philippines.

GCash is a staunch supporter of the United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), particularly UN SDGs 5,8,10, and 13, which focus on safety & security, financial inclusion, diversity, equity, and inclusion as well as taking urgent action to combat climate change and its impacts, respectively.

Mynt, through its fintech operations, is a staunch supporter of the United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), particularly UN SDGs 5,8,10, and 13, which focus on safety & security, financial inclusion, diversity, equity, and inclusion as well as taking urgent action to combat climate change and its impacts, respectively.

G-Xchange Inc. (GCash) is regulated by the BSP (www.bsp.gov.ph). Visit the GCash Help Center or call 2882 (Globe/TM) / (02) 7213-9999 (other networks; fees may apply) to know more.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here