MANILA, Philippines – Limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Leyte at Northern Samar, ayon sa ulat nitong Miyerkules.
Tatlong NPA fighters ang boluntaryong sumuko sa Philippine Army’s 93rd Infantry Battalion sa Kananga, Leyte noong Dec. 1: sina Remegio Narbonita alias Alon, Rocelo Corea alias Rod/Ryan/Billy, at Rosendo Orca alias Sendo. Naisuko nina Corea at Orca ang kanilang .45 caliber pistols.
Ayon kay Lt. Col. Celeste Frank Sayson, napaniwala ang mga rebelde ng kanilang pamilya na umuwi para sa mapayapang Pasko. Binigyang-pugay ni Brig. Gen. Pompeyo Jason Almagro ang desisyon ng mga sumuko at tiniyak ang suporta ng AFP, PNP, at iba pang partner agencies para sa kanilang reintegration.
“We are happy because these surrenderers listened to the calls of their families and the government,” ani Almagro.
Samantala, dalawa pang NPA members ang sumuko noong Nov. 28-29 sa Northern at Eastern Samar, at nakuhanan ang mga ito ng armas, bala, steel bars, pako, ammonium nitrate, aluminum foil, laptops, at subversive documents.
Ani Brig. Gen. Jason Capoy, ang mga pagsuko at pagkakarekober ng war materials ay “signify a major step toward lasting peace and demonstrate the increasing trust of communities in the government.”
Ayon sa Philippine Army, lalo nitong pinahina ang impluwensya ng NPA sa Leyte at Southern Leyte. RNT