Home NATIONWIDE DMW job fair dinagsa ng mga nais magtrabaho sa Finland

DMW job fair dinagsa ng mga nais magtrabaho sa Finland

235
0

MANILA, Philippines – Libu-libong Pilipino ang dumalo sa one-day overseas job fair ng Department of Migrant Workers (DMW) sa SM Megamall, Mandaluyong City nitong Miyerkules, na bahagi ng Philippines-Finland Friendship Week, upang makahanap ng trabaho sa Finland.

Inalok ang 800 job vacancies sa pamamagitan ng anim na recruitment agencies na kasali sa event.

Ayon kay DMW Undersecretary Felicitas Bay, may drop-off system para sa walk-ins kahit pre-registered lamang ang pinapayagang makapasok.

“We have available 800 job orders or vacancies for the various sectors, manufacturing, production, and those in the factory setup,” ani Bay.

Isa sa mga kasaling kumpanya, Bondata, ay naghahanap ng skilled workers para sa industrial technology roles tulad ng CNC machinists, concrete workers, at welders.

Ani Bondata Partnership Director Rebekka Kiljunen, ang kontrata ay pansamantala muna sa isang taon na may posibilidad ng renewal.

Pinaalalahanan naman ni Leilani Macaranas ng IPAMS, partner recruitment agency ng Bondata, ang mga aplikante na ihanda ang maikling resumés at kumpletuhin ang mahahalagang dokumento tulad ng passport, NBI clearance, at educational credentials.

“Sa experience po namin deploying sa Finland, mga three to four months po, basta medically fit, tapos po mai-issue ka ng visa. And sa amin po, wala pong babayaran. As in, no placement fee, no processing fee, no salary deduction po,” ani Macaranas.

Kabilang sa mga maagang dumating ay si Melanie Estrella Paras, 35, mula Pangasinan, na bumiyahe pa ng alas-1 ng madaling araw para makadalo.

“Gusto ko talagang mag-abroad para matulungan yung family ko, lalo na may dalawang anak ako. Mahirap din kasi maghanap ng trabaho dito,” ani Paras.

Binigyang-diin din ni Bay ang pag-iingat laban sa ilegal na recruiters at ang kahalagahan ng pag-verify kung lisensyado ang agency at may accredited job orders sa DMW website. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here