Home OPINION PHILHEALTH MAY 234 ACCREDITED AT DOH- DESIGNATED HIV TREATMENT HUBS SA BANSA

PHILHEALTH MAY 234 ACCREDITED AT DOH- DESIGNATED HIV TREATMENT HUBS SA BANSA

300
0

NITONG Disyembre 1, 2025, sa araw ng “World AIDS Day” na may temang “Overcoming disruption, transforming the AIDS response.” Hinihikayat ni Dr. Edwin Mercado, PHILHEALTH acting president at chief executive officer ang publiko na huwag matakot o mahiyang magpagamot at tiniyak niyang protektado ang ka­nilang personal na impormasyon.

Mula sa naunang Php30,000, itinaas na sa Php58,500 kada taon ang benepisyo ng pinalakas na OHAT Package o katumbas ng 95 porsyento na pagtaas. Sinasaklaw nito ang:

– Antiretroviral Therapy (ART) para sa lahat ng may kumpirmadong HIV test mula sa DOH-certified facilities;
– Mga laboratory test, cli­nical evaluation, at iba pang ki­nakailangang serbisyo para sa komprehensibong pangangalaga; at
– Pagsubaybay ng mga medical specialist upang matiyak ang tamang gamutan.

Sa kasalukuyan, may 234 PHILHEALTH-accredited at DOH- designated HIV treatment hubs sa buong bansa na maaaring puntahan ng mga PLHIV. Noong 2024, umabot sa Php1.66 billion ang kabuuang nailabas na pondo ng PHILHEALTH para sa 176,819 OHAT benefit claims.

Nagpahayag din si PCEO Dr. Mercado ng pag-aalala sa pa­tuloy na pagdami ng kabataang nagkakaroon ng HIV. Ayon sa kanya, nakababahala na pabata nang pabata ang mga tinata­maan, kaya nananawagan siya sa mga magulang na gabayan at suportahan ang kanilang mga anak, at iparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng ma­agang pagpapasuri at regular na health check-ups sa pama­magitan ng mga serbisyo ng YAKAP Clinics.

Bukod sa OHAT at YAKAP Program, nagpapatupad din ang PHILHEALTH ng mga sumusunod na hakbang:

– Pagpapalawak ng digital platforms para sa faster verification at confidential processing.
– Pakikipag-ugnayan sa LGUs at HIV advocacy organizations pa­ra sa community education.
– Pagtatag ng mas mara­ming satellite service desks sa malalayong lugar

Para sa karagdagang katanungan, maaaring tumawag ang mga miyembro sa PHILHEALTH 24/7 Hotline na (02) 8662-2588, at sa mga mobile numbers na 0998-8572957 at 0968-8654670 para sa guma­gamit ng Smart habang 0917-1275987 at 0917-1109812 pa­ra naman sa Globe.
Sa datos ng DOH, nasa ma­higit kumulang 252,800 ang may HIV/AIDS sa Pilipinas, ha­bang noong 2023 ay nasa 1,700 ang nasawi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here