ILOILO CITY, Philippines – Nasawi ang isang barangay kagawad at isang senior citizen matapos magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo sa Barotac Viejo, Iloilo.
Dead on arrival sa ospital ang parehong riders. Ang isa ay kagawad ng Barangay Bay-ang, at ang isa naman ay senior citizen mula sa Barangay Santiago.
Lumabas sa imbestigasyon na biglang tumawid ang motorsiklo ng senior citizen, kaya nabangga ito ng minamanehong motorsiklo ng kagawad. Pareho silang namatay dahil sa malubhang sugat sa ulo.
Wala rin silang helmet nang maganap ang aksidente. Wala pang pahayag mula sa kanilang mga pamilya. RNT/MND