Home NATIONWIDE Pagbasura sa mga kaso ng Tokhang survivor laban sa mga pulis, muling...

Pagbasura sa mga kaso ng Tokhang survivor laban sa mga pulis, muling ipinasaalang-alang ng SC

224
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Hiniling sa Korte Suprema ng isang survivor at iba pa sa war on drugs ng administrasyong Duterte na isaalang-alang ang kaso laban sa mga pulis hinggil sa pagkamatay ng apat na indibidwal sa isang anti-drug operation.

Sa 49 pahinang ‘motion for reconsideration with motion to elevate the case’, hiniling ni Efren Morillo at iba pa sa SC e banc na ikonsidera at isantabi ang resolusyon noong Hunyo na nagpapatibay sa dismissal sa reklamo.

Hiningi rin nila na idirekta ng SC ang Ombudsman na magsagawa ng bagong preliminary investigation.

Ayon sa abogado ng mga petitioner, kung hindi pagbibigyan ang kanilang petisyon, maaaring magpakita ito ng kawalan ng aksyon ng bansa.

Noong 2016, binaril at pinatay ng mga pulis, ang apat na suspect sa droga sa isang raid sa isang bahay sa Barangay Payatas, Quezon City.

Si Morillo, na binaril sa dibdib, ay nakaligtas matapos magpanggap na patay at tumakas hanggang sa makarating sa highway.

Nagsampa ng multiple murders at frustrated murder complaint laban sa mga police officers sa Office of the Ombudsman.

Ibinasura naman ng Ombudsman ang reklamo dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Sinabi ng mga petitioner na mayroong “grave abuse of discretion” ang Ombudsman nang hindi nito pinansin ang mga materyal na katotohanan na nagtatag ng probable cause.

Pinagtibay ng SC ang desisyon ng Ombudsman dahil sa kakulangan ng ebidensiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here