Home NATIONWIDE G. Araneta Ave. drainage tatapusin sa Pebrero 2026 – DPWH

G. Araneta Ave. drainage tatapusin sa Pebrero 2026 – DPWH

253
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Public Works and Higwhays (DPWH) na tatapusin sa Pebrero 2026 ang pagpapalawak ng mga drainage pipes sa kahabaan ng G. Araneta Avenue sa Quezon City, na madalas binabaha.

Sinuri ni DPWH Secretary Vince Dizon ang proyekto noong Biyernes at inutusan ang mga opisyal mula sa Quezon City 2nd District Engineering Office na pabilisin ang konstruksiyon bago dumating ang susunod na tag-ulan.

Aminado ang DPWH na isa sa mga pangunahing problema ay ang mga umiiral na drainage canal na 36 pulgada lamang ang lapad.

Upang matugunan ito, naglagay ng dalawang bagong kanal, tig-1.5 metrolg lapad, para mapalobo ang kapasidad at mapahusay ang daloy ng tubig patungo sa San Juan River.

Ginagawa na rin ang dredging at desilting operations sa San Juan River, bilang bahagi ng Oplan Kontra Baha ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor.

Isa pang mahalagang bahagi, ayon kay Dizon, ay ang paggawa ng pumping station na lalo pang magpapabilis sa daloy ng tubig papunta sa ilog.

Pero aniya, kailangan pa ring humanap ng pondo ang DPWH para rito.

Samantala, ipinahayag naman ng mga motorista at mga kalatigang komunidad ang kanilang pagkadismaya sa sitwasyon ng baha, na sinasabi na maniniwala lamang sila sa mga pangako kapag natapos na ito.

Liban sa pagtupad sa gawain, hiningi rin ni Dizon ang tulong ng publiko sa tamang pagtatapon ng basura para hindi magbara sa mga daluyan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here