Home HOME BANNER STORY Alice Guo sasailalim sa 60-day orientation, assessment sa women’s correctional —BuCor

Alice Guo sasailalim sa 60-day orientation, assessment sa women’s correctional —BuCor

296
0
Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Sasailalim si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at dalawa iba pa sa 60-day orientation at assessment sa Reception and Diagnostic Center ng Correctional Institution for Women (CIW) bago isama sa iba pang persons deprived of liberty (PDLs), ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) nitong Sabado, Disyembre 6.

Sinabi ng BuCor na si Guo at dalawa iba pang co-accused ay sasailalim sa limang araw na quarantine at medical examination, at 55-day mandatory orientation, diagnostics at qualification, bago ilipat sa regular dormitory sa loob ng maximum security camp kasama ang iba pang PDL.

Anang BuCor, ang lahat ng PDL ay sumasailalim sa 60-day evaluation sa Reception and Diagnostics Center para sa orientation, assessment ng kanilang pangangailangang pisikal at psychological at sinasabihan ng kanilang mga karapatan.

Si Guo ay inilipat mula sa Pasig City Jail sa CIW sa Mandaluyong City nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 5 ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa pahayag, opisyal na tinanggap ng CIW sina Guo, Rachelle Joan Carreon, at Jaimielyn Cruz bandang 10:48 ng gabi.

Sina Guo, Carreon, at Cruz ay napag-alamang guilty sa qualified human trafficking ng Pasig City court, at ipinag-utos ang kanilang detention sa Mandaluyong facility.

Ang tatlo ay sinentensyahan ng life imprisonment.

May kaugnayan ang kaso sa raid sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban noong Hunyo 2024 kung saan mahigit 800 Filipino at dayuhan ang nasagip. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here