Home NATIONWIDE Iba’t ibang bahagi ng bansa makakaranas ng pag-ulan ngayong linggo

Iba’t ibang bahagi ng bansa makakaranas ng pag-ulan ngayong linggo

254
0

MANILA, Philippines – Walang inaasahang panibagong weather disturbance sa bansa sa darating na linggo, habang inaasahang tuluyang mawawala ang low pressure area na natira mula kay “Wilma” ngayong Lunes.

Ayon sa Pagasa, hihina ang Amihan at shear line pagsapit ng Miyerkules, pero lalakas muli ang northeast monsoon sa Linggo.

Ngayong Lunes, maaaring umulan sa mga bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas.

Magpapatuloy naman hanggang Martes ang katamtaman hanggang malalakas na ulan dulot ng shear line sa Cordillera, Cagayan Valley, at Aurora.

Posible pa ring magkaroon ng kalat-kalat na ulan simula Miyerkules hanggang Sabado.

Samantalang, lalakas ang bagong bugso ng Amihan na magpapaintensify muli sa shear line sa hilagang Cagayan Valley at Cordillera sa Linggo.

Malamig na umaga at gabi naman ang mararanasan sa Batanes, Babuyan Islands, at Ilocos Region, kahit humihina ang Amihan.

Samantala, magiging dominante sa maraming bahagi ng bansa ang mainit at maalinsangang Easterlies buong linggo.

Dahil dito, asahan ang mainit na panahon na may panandaliang pag-ulan sa hapon dahil sa thunderstorms, lalo na sa Southern Luzon at Mindanao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here