Home METRO P27.6-M tobats nasamsam sa Davao del Norte, 2 tiklo

P27.6-M tobats nasamsam sa Davao del Norte, 2 tiklo

240
0

DAVAO DEL NORTE, Philippines – Dalawang umano’y high-value drug suspects ang naaresto sa Panabo City, Davao del Norte noong Biyernes matapos makumpiska mula sa kanila ang tinatayang ₱27.6 milyon na hinihinalang shabu.

Ayon kay Police Regional Office–Davao Region Director Brig. Gen. Leon Victor Rosete, ang mga suspek na kilala sa alyas na “Gang” at “Cesar” ay nahuli sa joint buy-bust operation sa Barangay San Francisco.

Nasamsam mula sa kanila ang ilang sachet at malalaking plastic pack ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 4,060 gramo na nagkakahalaga ng ₱27,608,000.

Nakuha rin sa operasyon ang isang totoong ₱1,000 bill na ginamit bilang marked money, ₱100,000 boodle money, at dalawang bag.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Panabo City Police Station, at nakatakdang sampahan ng kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here